Tama nga ang nabasa nyo. Im Alone. Ako lang mag isa. Nag iisa. Walang kasama. Walang kausap.
Ganyan ang drama ko tuwing umaga, Ako lang kasi mag isa sa bahay, ni walang tao. AKO LANG.
Tuwing umaga lang naman, dahil pag sapit ng ala una, dadating na ang aking magiting na kuya. :]
na galing sa summer class. :] Hindi dahil sa may bagsak sya, ito ay dahil upang makaipon sya ng credits. lol. :]
Araw araw, Monday to Friday, ako lang mag isa sa bahay from 8:00-1:00 pm.
Wala akong ginawa kundi humarap sa computer sa mga oras na yan, napapagod na mga mata ko kakatitig sa computer screen. At alam kong masama ang parating nasa harap ng computer, dahil sa Radio.... i forgot. haha!. Pasensya, kulang ako sa information, hindi rin ako sure kung
RADIO ba talaga ang umpisa nung word na yun. Basta ang alam ko lang, nakakalabo ng mata ang parating nakatitig sa computer, at masama rin daw sa katawan. Napanood ko to dati sa TV eh, sa Rated K yata. lol. :]
I want to work.Gusto ko nang magtrabaho, nang hindi nako mabagot sa harap ng computer, at nang hindi masira ang maganda kong eyesight. :] At upang makabili ako ng sarili kong laptop. :]
Ayokong umasa sa mga parents ko, dahil ang dami pa naming bibilihin, uunahin namin ang TV. and the rest, hindi ko na alam. Ilang beses rin akong nag cacalculate sa sweldo ko. Kung magkano kikitain ko. Base sa aking computation, makaka afford akong makabili ng laptop, at may sobra pa. So, yung sobra na yun, pambibili ko ng damit, school supplies, at kung ano ano pang pwedeng bilhin. :] Sana nga makapag trabaho nako, ok lang kahit 5 weeks lang akong mag tratrabaho.
Sa 4 na stores na inaapplyan ko, ni wala pang isang tumawag. Ang tanging pag asa kong makapag trabaho ay sa Wendys. Kahit maliit lang sweldo dun, ayos lang.. makakaipon rin naman din ako. Ewan ko sa SuperStore, pero ayos lang din kung doon ako mag tratrabaho. lol
Kung matatangap man ako sa trabaho, ito marahil ang aking
First JOB!. lol.
Ipagdasal nyo ako, na sana matangap ako at matawagan man lang.
kung marereject ako, Ehhhh.. Wag sana!. dahil gusto kong mag trabaho. I want to experience to have a job. At para ma expose din ako. Dahil araw araw, 24/7 nasa loob nang bahay lang ako. Ayokong mag isa sa bahay, minsan natatakot rin ako, pero nagtatapang tapangan lang ako. :] at nagdadasal.
Ok. hanggang dito nalang. pagod nako kakatype. lol.
Labels: alone, FIRST, work